Halimuyak sa Madaling Araw


Halimuyak
sa kinasasabikang umaga
na tigib ng ligaya
ang bumungad
sa aking diwa

Basa sa hamog
ng madaling araw
mga talulot na nakalukot
naghihintay
sa masidhing dampi
ng haring araw

Ramdam ko ang
init na nagbabaga
na di maikubli
ng mala-nyebeng
ihip ng hangin

Aking hinawakan
ang nagbabagang apoy
mga daliri’y di napaso
ni nasunog ay hindi
Bagkus ay naramdaman
ang mainit na pag-agos

At aking narinig
isang sigaw na
walang tinig
sa kagubatang
makipot, madilim
na aking sinuong
habang nilalagari
ang kableng
sa lahat ng
kamalayan sa mundo
ay nagdurugtong

Ang kalaliman
ay binagtas
upang di malunod
mahigpit ang kapit
ng aking mga kamay
sa matatayog na
kabundukan

At matapos
ang mahabang sandali
muli kong narining
ang sigaw na
walang tinig
habang nasasaksihan
ang pagbulwak
ng kalawakan

No comments:

Post a Comment

Got something in your mind? Be generous. Leave this page with an afterthought in your gray matter and comments in this prompt.

Wisa

Sa harap ng iyong webcam Sa PC ko matyaga akong naga-abang Tamis ng iyong ngiti sana muling masilayan Higit sa lahat, iyong natatanging kaga...

What's popular (Be sure to check out the rest!)